Una sa Balita

35 katao pinagbabaril sa football watch party, 4 patay

0 209

35 katao pinagbabaril sa football watch party, 4 patay

APAT ang nasawi nang paulanan ng bala ang isang family gathe­ring sa Fresno, California nitong linggo ng gabi.

Sinasabi sa ulat na abala ang pamilya kasama ang ilang kaibigan at nagkakasiyahan sa panonood ng football game sa bakuran ng kanilang bahay nang paulanan ng bala bandang alas-otso ng gabi.

Nasa pagitan ng edad 25-30 ang mga biktimang nasawi sa insidente kung saan 35 na katao ang nasa bahay nang umatake ang suspek.

Wala pang suspek ang California Police ayon sa ulat ng NBC News kung sino ang nasa likod ng pamamaril.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang mga sugatang biktima sa nangyaring pamamaril.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy