Una sa Balita

35 illegal Chinese construction worker dinampot sa Parañaque

0 323

By Mina Aquino

DINAKMA ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 35 Chinese national na nagtatrabaho bilang construction worker sa isang subdivision sa Parañaque City kamakalawa.

Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr. ang pag-aresto ay nag-ugat sa iba’t ibang reklamo laban sa mga dayuhan na nagdudulot ng problema sa construction site.

“This prompted us to conduct surveillance in the area and we indeed confirmed the presence of these illegal workers,” wika ni Manahan.

Idinetalye ni Manahan na hindi bababa sa dalawang Philippine construction company na nagtatayo ng mga proyekto sa tatlong magkakaibang kalye sa isang village na sangkot sa pagkuha ng mga iligal na dayuhan.

Nahuli umano ang mga dayuhan na gumagawa ng manual labor tulad ng tile setting at iba pang gawain na kaya ng Pilipinong manggagawa kaya naman paglabag ito sa kondisyon ng kanilang pananatili sa bansa.

a patakaran ng BI, ang mga dayuhan ay hindi pinapayagang magtrabaho na may kinalaman sa manual work.

“We will initiate deportation proceedings against these illegal aliens for blatantly disobeying the law. They will be deported and barred from returning to the Philippines,” sabi pa ni Morente.

Noong Setyembre 2018, matatandaan na inaresto ng BI ang 34 manggagawang construction worker sa isang gusali sa Macapagal Avenue.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy