Una sa Balita

35 bangkay natagpuan sa mass grave sa Mexico

0 280

NATUKLASAN ng mga awtoridad ang labi ng 35 katao sa isang mass grave sa Jalisco state, Mexico.

Natagpuan ang mga ito sa isang rantso sa bayan ng Zapopan. Umaabot sa 27 bangkay ang nakatali pa nang sila’y patayin.

Naniniwala naman ang mga forensic team na marami pa silang madidiskubreng bangkay.

Gumamit ng back hoe ang mga awtoridad dahil sa tatlong metro ang lalim ng pinaglibingan.

Nagpuntahan naman sa lugar ang pamilya ng mga may nawawalang mahal sa buhay.

Tinatayang 40,000 ang missing at pinaniniwalaang pinatay matapos paigtingin ng gobyerno ang giyera kontra droga noong 2006.

Higit sa 250,000 katao naman ang namatay sa mga bayolenteng krimen sa Mexico sapul noong 2006, karamihan dito ay may kaugnayan sa aktibidad ng mga organized crime.

Mula Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan, 720 kaso ng murder ang naitala sa Jalisco state lamang.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy