Una sa Balita

349 pulis-Mimaropa sumailalim sa drug test

By
0 892

IPINAG-UTOS ni Regional Director, Police Chief Supt. Emmanuel Luis Licup ang isang suprise drug test para sa 349 police personnel ng Police Regional Office MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) pagkatapos ng kanilang flag raising ceremony nitong Lunes, June 04.

Ayon kay PC/Supt. Licup, ito ay alinsunod sa direktiba ni Police Director General Oscar Albayalde matapos mahuli ang isang miyembro ng elite Special Action Force sa Taguig City na nasa pot session.

Negatibo ang resulta ng drug test ng 349 police personnel ng PRO-MIMAROPA, ayon sa news release ng Police Information Office MIMAROPA.
Siniguro naman ni Police Chief Supt. Emmanuel Luis Licup na tatanggalin niya sa puwesto ang sinumang police officer na magpopositibo sa isasagawang drug test sa kanila.