Una sa Balita

345 katao dinampot sa droga at iba’t ibang kaso

By ,
0 1,441
Aabot sa 345 katao na pawang wanted, sangkot sa droga at nahaharap sa iba’t ibang kaso ang nadakip ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na ope­rasyon sa Parañaque, Muntinlupa, Makati, Pasay City at Maynila kahapon.
 
Bandang alas-siyete ng umaga nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Parañaque City Police ang traffic enforcer na si Randy Picar, 34 naninirahan sa no.26 Sampaguita St., Brgy. BF Homes matapos lumabag sa barangay ordinance.
 
Samantala, nasa 329 naman katao ang nadakip ng mga kagawad ng Makati City Police sa isinagawa nitong anti-criminality operation sa buong lungsod.
 
Ayon kay Senior Supt. Gerry Umayao, hepe ng Makati City Police, ang mga nadakip ay pawang sangkot sa droga, wanted sa batas, iligal na sugal, pag-inom sa kalsada, paglabag sa ordinansa, curfew hours at paglabag sa batas trapiko at nasa 30 motorsiklo na pawang mga walang kaukulang papeles ang kanilang nakumpiska.
 
Sa lungsod naman ng Muntinlupa, alas-sais kahapon ng umaga sa Bukal St., brgy. Poblacion nang madakip ng mga kagawad ng Muntinlupa City Police ang magpinsang Mina at Ma. Concepcion Gonzales, kapwa nasa hustong gulang at nakatira sa no. 187 Quezon St., ng naturang barangay matapos maaktuhan ang mga itong may dalang shabu.
 
Nadakip din sa Muntinlupa City ang dating professor na si Jerome Zablan, 27, nakatira sa Viñalon St., Brgy. Cupang ng nabanggit na lungsod, dahil wanted ito sa kasong Rape.
 
Si Paul Ryan Roquillo, 39 ay nadakip rin ng mga kagawad ng Pasay City Police habang bumibili ito ng droga sa Estrella St., Brgy. 14 ng naturang lungsod.
 
Samantala, nasakote ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station ang walo katao sa aktong nagpa-pot session kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
 
Nabatid na pasado alas-otso ng gabi nang maghain ng search warrant ang mga ope­ratiba ng Raxabago PCP sa bahay ng isang Jerry Arufo na umano’y isang drug pusher at target ng operasyon Road 10, Southbound, Maynilad Compound, sakop ng Brgy. 101 sa Tondo, Maynila.
 
Pagpasok sa lugar, naaktuhan ang suspek kasama ang iba pang kalalakihan na nagsasagawa ng pot session.
 
Inamin naman ni Arufo na dati siyang gumagamit ng ipinagbabawal na droga pero itinanggi ng suspek na drug pusher siya.
 
Sa Muntinlupa City, tatlo katao kabilang ang isang babae ang naaresto matapos mahuli sa aktong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot kamakalawa ng gabi.
 
Kinilala ni Senior Supt. Dante Novicio, hepe ng Muntinlupa City Police ang tatlong nadakip na suspect na sina Ryan Cohangco, Edmar Joaquin at Mary rose Mendoza na pawang nasa hustong gulang at residente ng Lucia St, Sto. Niño Village, Brgy. Tunasan nang nasabing lungsod.
 
Agad naman nagsagawa ng operasyon ang pulisya at natiyempuhan ang mga suspect habang gumagamit ng droga sa Sto. Niño Village, Brgy. Tunasan, Muntinlupa.