Una sa Balita

34 tigok sa resbak ng IS

By
0 37

Tinatayang 34 sunda­long Syrian at allied fighters ang napatay sa resbak ng Islamic State (IS) sa silangang bahagi ng lalawigan ng Raqa nitong Biyernes.

Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, isang Britain-based monitor, muling nabawi ng jihadist group ang malawak na bahagi ng teritoryo mula sa government forces sa naganap na labanan nitong Huwebes.

Sinisikap ng Syrian army na makapasok sa pamamagitan ng Raqa province upang marating ang kalapit na Deir Ezzor, kung saan sinalakay ng mga jihadists ang puwersa ng gobyerno at sibilyan.

Sa unang bahagi ng buwan, ang tropa ng gobyerno at allied fighters ay dumating sa labas ng Madan, ang huling IS-held town sa eastern Raqa.

Subalit sa naganap na counterattack nitong Huwebes ay naging matagumpay ang IS at napalawak pa nito ang lugar na kanilang nasakop hanggang sa southern bank ng Euphrates, ayon sa Observatory.

 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy