Una sa Balita

34 biktima ng human trafficking hinarang sa NAIA

0 457

NASAGIP ng Bureau of ­Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 34 kababaihan na pinigil mula sa pag-alis ng bansa papuntang ­Saudi Arabia matapos silang iligal na hinikayat na ­magtrabaho bilang household service worker (HSW).

Sinabi ni BI port operations chief Grifton Medina, ang mga biktima ay ­nahuli sa NAIA terminal 1 noong Sabado nang hapon habang pasakay ng Saudi Airways patungong Riyadh.

Ani Medina karamihan sa mga biktima, ay nasa 20 hanggang 30-taong gulang, na hindi pinayagang umalis nang mapansin ng immigration officers (IOs) ang mga pagkakaiba-iba at iregularidad sa mga dokumento sa paglalakbay na ipinakita ng mga ito.

Nagpresinta umano sila ng mga dokumento ­bilang overseas Filipino ­workers (OFWs), ngunit nang ­beripikahin, maraming pagkakaiba-iba ang nadiskubre.

Ang job descriptions sa mga visa ng mga biktima ay nagpapahiwatig na sila’y tinanggap bilang HSWs ­su­balit ang kanilang overseas employment certificates (OEC) at kontrata sa ­trabaho ay nagsabing sila ay hinikayat bilang tagalinis sa mga kompanya.

Hindi umano ­pinayagan ang mga ganitong pagkakaiba lalo na kung ang ­aktwal na trabaho ay HSW ­kaysa sa mga kompanya, na ­nagbibigay panganib sa mga ­manggagawa.

Nalaman pa ng BI na ang kanilang mga OEC ay ­huwad ­matapos ­kumpirmahin ng ­kinatawan ng ­Philippine Overseas ­Employment ­Administration (POEA) na nasa ­paliparan. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More