Una sa Balita

34 bebot na pa-Saudi nasagip sa NAIA

0 431

NAHARANG ang may 34 kababaihan na magtutungo sana sa Saudi Arabia kung saan sila iligal na ni-recruit para magtrabaho bilang mga household service worker.

Ayon sa Bureau of Immigration, na-rescue ang mga biktima sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Pasakay na sana ang mga babae, na nasa pagitan ng edad 20 at 30 sa Saudi Airways flight patungong Riyadh noong Nobyembre 30.

Hindi sila pinayagang makalipad nang mapansin ng mga immigration officer ang iregularidad sa kanilang mga travel document.

Itinurn-over na ang kababaihan, na hindi na pinangalanan dahil sa prohibition sa Anti-Trafficking Law, sa Inter-Agency Council Against Trafficking para matulungan at maimbestigahan. (IS)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More