Una sa Balita

33 nadale sa 2 aksidente sa Quezon

0 287

UMABOT sa 33 katao ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na aksidente na kinasangkutan ng isang pampasaherong bus at isang pampasaherong van sa Quezon kamakalawa.

Ayon sa report ng Quezon PNP, u­nang bumaligtad ang isang Nissan van na may 18 sakay sa national road sa Brgy. Lakawan, Tayabas City dakong alas-11:30 nang umaga.

Kabilang sa nasaktan ang tatlong bata na sakay sa van na patungo sana sa isang mall sa Lucena City mula sa bayan ng Mauban.

Nakaidlip umano ang driver na si Crispin Garcia Almarinez Jr. kaya nawalan ito ng kontrol at bumangga muna sa steel railing ang sasakyan bago tumaob.

Sa bayan naman ng Tagkawayan, isang overloaded na Elavil bus ang nahulog sa kanal sa gilid ng Qurino highway at nasaktan ang sakay na 15 pasahero pasado alas-12:00 nang hatinggabi.

Mabilis umano ang takbo ng bus sa kurbadang bahagi kaya sumalpok ito sa railing bago patagilid na bumagsak sa garahe ng isang bahay.

Isinugod sa Maria Luisa Eleazar Memorial District Hospital sa Tag­kawayan ang mga nasugatang pasahero na nagmula pa sa Sorsogon at patungong Maynila.
Naaresto naman ang driver ng bus na si Allan Robles at sasampahan ng kaso. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy