Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

33 barangay sa Pasay ni-lockdown

0 81

Iniutos ni Pasay City Mayor Ami Calixto na isailalim sa lockdown ang 33 barangay sa lungsod matapos pumalo sa mahigit 200 ang kaso ng COVID-19 sa siyudad noong Biyernes.

Ayon sa alkalde, kailangan nilang ipatupad ang control and containment strategy upang hindi na madagdagan ang 269 kaso na naitala noong Biyernes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inamin ni Calixto na nakababahala ang nasabing pagsirit ng COVID-19 dahil sa report ng Pasay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) umaabot lang sa 15 kaso kada araw ang naitala mula Oktubre ng 2020 hanggang Pebrero ngayong taon at 14 na kaso kada araw simula noong Enero hanggang Pebrero ngayong 2021.

Dahil dito, sinabi ni City Administrator Atty. Dennis Acorda na nais ipa-lockdown ni Calixto ang mga barangay na may tatlo o higit pang kaso sa loob ng 14 na araw para maagapan ang pagkalat ng virus.

Magkasanib na ipatutupad ng kapulisan at mga opisyal ng barangay ang safety at health protocol sa mga apektadong barangay alinsunod sa Inter-Agency Task Force. (Mia Billones)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.