Una sa Balita

32nd double-double ni Yee sa Davao Cocolife Tigers

0 394

HATAW si Davao Cocolife Tigers main man Mark Yee sa mahirap nang parisang individual record sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) nang ilista ang ika-32 double-double performance.

Umiskor ng 16 puntos at 10 rebounds ang ex-pro na si Yee na panibagong double-double performance nito nang tambakan ng Davao ang Bulacan Kuyas, 91-75, sa ikalawang ikot ng elimination round kamakailan sa Batangas City Sports Complex.

Ang makinang na laro ni Yee ang sinandigan ng koponan ni Dumper Partylist Representative Claudine Bautista at ayudante ni Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, FVP Joseph Ronquillo, AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque, para manatiling nasaituktok ng liderato, 15-2, sa MPBL Lakan Cup Southern Division.

Pinuri naman ni Davao Cocolife Tigers deputy team manager Rey Alao ang husay sa hardcourt ni Yee.

“Mark (Yee) is a true leader inside the court every game and attitude-wise”, ani Alao.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy