Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

328K protocol pasaway dinakma sa NCR

0 56

Aabot sa halos 328,000 ang lumabag sa minimum health at safety protocols na sinita ng pulis habang umiiral ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Inilabas ito ng PNP kaugnay sa pag­lalagay ng NCR sa Alert Level 4, sa ilalim ng bagong quarantine scheme ng pambansang gobyerno.

“Naga-average ng 12,600 per day [ang mga violator]. ‘Yan ay dito po sa Metro Manila,” sinabi ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar.

Ang paglabag ay naitala mula Agosto 21 hanggang Setyembre 15.

Sa likod nito, sinabi ng hepe na 59 porsiyento ang binigyan ng warning, 36% ang pinagmulta, 5% ang kinasuhan.

“Despite the effort sa mga police natin, talagang masasabing andami pa rin nating mga violators,” giit niya.

Hinikayat ng PNP ang publiko na sumunod sa mga minimum health standard.

“Sa pagpapatupad nito, lalo na’t sasabihin natin na marami nang bukas na industries [at] establishments, ating pakiusap sa ating mga kababayan, hindi na natin sila mache-check na sa kanilang mga travel, sa kanilang movements, but we are requesting for them na ‘pag nasa labas, sundin ang mga required protocols.” (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.