Una sa Balita

324 Chinese dinakma sa iligal na aktibidad

0 207

UMABOT sa 324 Chinese national ang dinampot ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa umano’y pagkakasangkot sa cybercrimes at iba pang mga iligal na aktibidad Puerto Princesa City, Palawan.

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Mo­rente, ang mga dayuhan ay naaresto sa mga ope­rasyon na isinagawa ng mga operatiba mula sa BI Intelligence Division sa pakikipagtulungan ng mga elemento mula sa militar, kabilang ang Western Command ng Armed Forces of the Philippines.

Ang mga dayuhan ay iniulat na mula sa walong inikutang mga hotel at mga establisimyento na nahuli sa aktong ginagawa ang kanilang iligal na aktibidad.

“They will undergo deportation proceedings for violating the conditions of their stay in the country and working here without permits. Initial reports indicate that most of these aliens are overstaying and undocumented,” anang BI chief.

Nakumpiska ng mga raiding team ang daan-daang mga laptop, cellular phone at gadget sa panahon ng operasyon.

“Many of them were not able to show their passports or any travel documents,” ayon pa sa raiding team.

Samantala, isang team ng BI prosecutors ang ipinadala sa Palawan upang magsagawa ng preliminary investigation sa mga naturang dayuhan. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy