Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

32 PUV lumabag sa health protocol, hinarang

0 207

Dinakip ang 32 PUV driver at operator dahil sa paglabag ng mga ito sa minimum health protocol na dapat ay 70 porsyento lang ang capacity limit sa loob ng jeep.

Ayon sa Land Transportation Office (LTO), sa unang araw pa lang ng Alert Level 3 ay marami nang PUV ang pasaway sa health protocol kontra COVID-19.

Dahil dito, ang mga nahuli ay inisyuhan ng show-cause order.

Katwiran ng ilang drayber, hindi nila mapigilan ang pagdami ng mga sumasakay lalo na kapag rush hour.

Binalaan naman ng LTO ang mga ito na maaring masuspinde ang kanilang prangkisa kung hindi sila susunod sa alituntunin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.