Una sa Balita

32 kilo ng meat product nakumpiska sa mga biyahero sa NAIA

0 337

Tinatayang aabot sa 32.25 kilo ng sari-saring ‘meat product’ na dala ng mga pasahero mula sa ibang bansa ang kinumpiska ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay BAI-NAIA chief Reynaldo Quilang, tuloy-tuloy pa rin ang kanilang ginagawang pagkumpiska ng meat product na dala ng mga pasahero dahil sa pangambang pagpasok ng African Swine Fever (ASF) virus.

“Bagama’t kumpirmadong positibo ang nasabing sakit ng mga baboy sa ibang parte ng Luzon, ay ipapatupad pa rin ang paghihigpit sa pagpasok ng mga meat products at canned meat sa apat na passenger terminal ng NAIA.” ani Quilang.

Kabilang sa mga nakumpiska ng mga tauhan ng BAI ay ang duck meat, pork, beef, chicken feet, pork sausage at iba pang poultry product.

Idinagdag pa ni Quilang, ang mga naturang karne ay nagmula pa sa Jinjiang, Xiamen at Pudong, China; Incheon, South Korea. (Otto Osorio)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy