Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

32 hinawla sa Cavite drug bust

0 52

TATLUMPU’T DALAWANG hinihinalang tulak ang binitbit ng Cavite police sa isinagawang operasyon kontra droga sa Cavite, Sabado ng madaling araw.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ng buy bust sa pagitan ng alas-5:00 Biyernes ng madaling araw hanggang ala-1:30 Sabado ng madaling araw sa limang Lungsod at limang bayan sa lalawigan ng Cavite.

Sa Bacoor City, Cavite, pitong hinihinalang tulak ang naaresto habang tig-4 sa Dasmarinas City, Rosario, Trece Martires City at Naic; 3 naman sa Cavite City at tig-2 sa Noveleta at Amadeo habang tig-isa sa Alfonso at Tagaytay City o kabuuang 32 na tulak.

Bukod sa halagang P13,6000 na droga na nasamsam sa operation sa Brgy Habay 1, Bacoor City, Cavite dakong alas- 5:00 kamakalawa ng umaga, isang kalibre 38 na baril at 2 bala ang narekober mula sa suspek na si Alvin Magbojos, 37, ng Brgy Habay 1, Bacoor City Cavite. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.