Una sa Balita

312 Chinese na budol-budol pina-deport

0 309

NAKALABAS na ng bansa ang nasa 312 Chinese national, kabilang ang 21 menor de edad na umano’y sangkot sa telecommunication scam, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay BI commissioner Jaime Morente, isinakay sa limang charted flight patungong China ang mga dayuhan, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 kahapon.

Kabilang ang mga deportee sa 512 foreign national na naaresto ng BI sa ginawang raid sa Business processing Outsourcing Office sa Pasay City.

Naaresto noong Oktubre 9, 2019 sa Millenium Building sa nasabing lungsod ang mga dayuhan, kinabibilangan ng mga Chinese, Burmese, Malaysian, Vietnamese, Taiwanese at Indonesian.

Nabatid na idineklara uma­nong support service ang ginagawa ng mga naaresto, ngunti nadiskubreng investment scam pala sa China ang pakay ng mga ito at dito lamang sa Pilipinas isinasagawa ang kanilang modus.

Itinuring na ring mga undocu­mented alien ang mga Chinese national ay makaraang kanselahin ng Chinese government ang kanilang mga pasaporte.

Ang iba umanong naaresto ay ililipat sa BI Warden Facility habang hinihintay ang kanilang deportation order at clearance.

Patungo ang mga dineport sa Shijiaxuang, Hebei Province, Changchun at Jilin Province at ineskortehan sila ng mga CI Intelligence personnel at Chinese police officer. (Otto Osorio/Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy