Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

31 probinsya mataas kaso ng ASF

0 141

Inihayag ng isang opisyal ng Bureau of Animal Industry (BAI) na 31 mula sa 81 probinsya sa Pilipinas ang may mataas na kaso ng African Swine Fever (ASF)

Gayunman nilinaw ni Dr. Ronnie Domingo ng BAI sa panayam sa radyo na hindi naman ibig sabihin nito na lahat ng bayan o barangay sa mga apektadong probinsya ay mayroong kaso ng ASF.

Binanggit pa nito na ang probinsya ng Bulacan ang may pinakamaraming kaso ng ASF.

Sa kabila nito, tiniyak ni Domingo na kayang punan ng Visayas at Mindanao ang kakulangan sa suplay ng baboy sa Metro Manila sanhi ng ASF. (Riz Dominguez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.