Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

31 mangingisdang naipit sa WPS nakauwi na

0 229

NAKAUWI na sa kanilang mga pamilya ang 31 na mangingisdang nasagip ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea noong weekend.

Masayang sinalubong ng mga kaanak ang mga mangingisda nang makauwi sa San Jose, Occidental Mindoro.

Sila ang sakay ng bangkang SG Pauleene na lumubog sa karagatan malapit sa Reed Bank sa WPS noong Sabado ng gabi.

Sinabi ng Coast Guard na base sa kwento ng mga nakaligtas, Sabado nang lumubog ang bangka nang mabutas ang unahang bahagi nito sa nakasalubong na torso.

Sila ay itinurn over sa BRP Emilio Jacinto ng Philippine Navy. Ito naman ang naghatid sa kanila

pauwi kung saan naghihintay ang kanilang mga pamilya at lokal na pamahalaan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.