Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

31 kilong marijuana nakalkal sa kuwarto ng preso

0 70

Umaabot sa 31 kilo ng marijuana na nagkakahalagang P3.7 milyon ang nakumpiska ng pulisya sa kuwarto na inuupahan ng isang drug suspek sa Mandaluyong City.

Sa ulat ng Mandaluyong City Police, alas-7:45 ng gabi ng Oktubre 9 nang isagawa ang recovery operation sa isang silid sa Silangan St., Brgy. Barangka Ibaba.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang awtoridad sa isang tipster hinggil sa hinihinalang marijuana na naiwanan sa naturang silid na inuupahan umano ng isang drug suspect na una nang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Oktubre 5 sa buy-bust operation.

Agad isinagawa ang recovery operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Mandaluyong City Police at dito na nadiskubre ang 31 kilo ng marijuana sa isang luggage at dalawang multi-colored na sako bags. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.