Una sa Balita

31 ex-NPA nagtapos sa TESDA training

0 248

Umaabot sa 31 dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nakapagtapos sa 4 na buwan na skills traning at apprenticeship program para sa heavy equipment.

Ayon kay Alyas Omar, dating vice commander ng NPA Pulang Bagani Command 1, malaking tulong ang skills training dahil sa magkakaroon sila ng oportunidad na makakuha ng trabaho upang kumita.

“It was new learing for us,” saad ni Omar matapos ang graduation ceremony ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at GE 64 Enterprises, Inc. sa Davao City nitong Biyernes.

Sinabi naman ni Col. Nolasco Mempin, commander ng 103rd brigade ng Philippine Army, ang 31 dating NPA ay nag-ooperate sa Paquibato district.
Tinulungan silang magbagong buhay ng local govenrment, katuwang ang TESDA at iba pang partner.

Idinagdag pa ni Mempin na ang mga graduate ay tumanggap ng arawang allowance na P394 habang nagte-training at magtatrabaho na ngayon sa GE Enterprise, habang ang iba ay ire-refer naman sa ibang construction firm. (PNA)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy