Una sa Balita

30th SEAG CDM meeting ngayon

0 293

DADALUHAN ni Indonesian Olympic Committee president Erick Thohir at Philippine Sports Commission (PSC) chairman at Team Pilipinas chef de mission William ‘Butch’ Ramirez ang ikalawang pagpupulong ng mga pinuno ng 11 bansa na lalahok sa isasagawa sa bansa na 30th Southeast Asian Games sa Hilton Manila sa Newport Blvd, Pasay.

Nagkumpirma ng kanyang pagdating si Thohir kasama ang kanyang itinalagang chef de mission para sa Indonesia sa isasagawa ng nag-oorganisa na Philippine Southeast Asian Games Organi­zing Committee (Phisgoc) ngayong umaga na 2nd Chef de Mission meeting.

Tanging ang Brunei at Myanmar lamang ang magpapadala ng kanilang mga representante sa pagpupulong habang dadalo ang mga itinalagang CDM mula sa Thailand, Malaysia, Singapore, Cambodia, Vietnam, Laos at Timor Leste, Indonesia at para sa Pilipinas na si Ramirez.

Inaasahan naman na tatalakayin ng Malaysia ang ilang isyu hinggil sa ginagawang paghahanda ng bansa sa mga gagamiting mga pasilidad sa 2019 SEA Games. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy