Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

30K patay: Sapul ng COVID sa France 200K na

0 336

208,015 na ang kabuuang dami ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 sa France.

Pang-16 ang naturang bansa sa pinakamaraming COVID-19 case sa 188 lugar sa daigdig, ayon sa dashboard ng Center for Systems Science and Engineering sa Johns Hopkins University, Linggo.

Samantala, 30,007 naman ang yumao at 78,513 ang gumaling doon.

Sa Pilipinas, 54,222 na ang nahawa, 1,372 yumao, at 14,037 ang gumaling sa nasabing virus. (riley cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.