Una sa Balita

308 PATAY SA DENGUE

By
0 9

Naalarma na ang Department of Health (DOH) dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa bansa partikular na  ngayong panahon ng tag-ulan.

Nabatid kay Dr. Eric Tayag, spokesperson ng DOH, mula noong Enero hanggang nitong Hul­yo 23 ay umabot na sa 308 ang namatay dahil sa dengue.

Sanhi nito, inalerto na nang DOH ang mga pampublikong ospital sa mga lugar na may mataas na kaso ng dengue na agad magpatupad ng dengue express lane upang umaga­pay sa mga pasyen­te na tinamaan ng natu­rang sakit.

Abante Hiring – IT dep

Pinayuhan ng DOH, na huwag silang isama sa mga regular na pasyente, kunan agad ng blood sample, isalang sa laboratory test, bigyan ng oresol o ng IV fluids.

Dapat din malaman agad kung kinakailangan pauwiin ang pasyente o kailangan nang i-confine sa ospital.

Sa record nasa 70,697 din ang dinapuan ng dengue ang naitala ng DOH Epideology Bureau.

Ito ay mas mataas ng 19.1 porsyente kumpara sa kaparehong panahon noong 2015 na nakapagtala lamang ng 59,342 kaso ng dengue.

Nabatid na pinakala­making bilang ng kaso ang naitala sa Region 4-A.

Sinundan naman ito ng Region 7, Region 12, Region 10 at Region 3.

Habang may 47 barangays naman ang naitala na maituturing na hot zones na may mataas na kaso ng dengue kabilang ang Bgy. Fairview, Novaliches at Payatas, Quezon City.

Kabilang din sa hot zone ang Narangay Bakakeng Central, Camp 7, Sto. Tomas at Tranco Village sa Baguio City