Una sa Balita

300 runaway OFWs sa Kuwait, pauuwiin ng DOLE

By
0 221

Inaayos na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kalaga­yan ng may 300 overseas Filipino workers (OFWs) na naipit sa Kuwait dahil sa iba’t ibang problema.

Sa ulat na ipinarating ng labor attaché sa nasabing bansa sa ahensiya, inaayos na umano ang mga dokumento ng mga ito para sa agarang pagpapabalik sa Pilipinas. 

Karamihan sa mga OFW ay nag-Pasko sa tanggapan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Kuwait, ayon pa sa ulat.

Karamihan anila sa mga naiipit na OFWs ay biktima ng physical at sexual abuse ng kanilang mga amo habang ang iba ay sapilitang pinagtrabaho pero hindi naman pinasasahod.