Una sa Balita

300 luminary, icon sama-sama sa Sine Sandaan ngayong gabi

0 471

Pangungunahan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang pagdiriwang at official launch ng Centennial Year sa Sine Sandaan sa Setyembre 12. Mahigit sa 300 luminaries at icons ng Philippine Cinema ang inaasahang rarampa sa red carpet.

Tampok din ang powerful performances ng biggest names sa music industry at best singers sa bansa na magha-highlight sa journey ng Pelikulang Pilipino sa daang taon nito. Ang event ay co-presented ng CMB Film Services at ABS-CBN at sinusuportahan ng Department of Tourism (DOT), Araneta Group, at Fashion Designers Association of the Philippines (FDAP).

Susundan ang Sine Sandaan ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019, isang week-long exclusive screening ng Filipino genre films. Ang PPP 2019 ay co-presented ng Frontrow International sa pakikipagtulungan sa Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) at CMB Film Services at major sponsors na Fire and Ice Productions, ThinkBIT Solutions, Toronto Film School at Yorkville University, Bicol Isarog Transport System, Inc., at Novotel Manila.

Kasama rin sa media partners ang Solar Entertainment Corporation, Sinag Maynila, CNN Philippines, PUBLICITYASIA, at Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy