Una sa Balita

300 kilo ng shabu nasabat sa Cagayan

By
0 3

Umaabot sa 300 kilo ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad mula sa isang resort sa Claveria, Cagayan noong Linggo ng hapon.

Ayon kay Sr. Supt. Alberto Ferro, acting head ng Philippine National Police (PNP) Anti-Illegal Drugs Group, ang nasabing mga shabu ay nakumpiska mula sa North Shore Island Resort sa Barangay Cullao bandang alas-dos ng hapon kamakalawa.

Sinabi ni Ferro, isi­nagawa nila ang operasyon, makaraang ikanta ng isang drug peddler na kanilang naaresto kung saan makikita ang maraming shabu at dito ibinunyag na nakalagay sa isang itim na plastic bag sa loob ng isang ma­laking ice chest.

Ang mga nasabat na shabu ay tinatayang may street value na P900M.