Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

300 Davao student nabigyan ng laptop galing China

0 63

Aabot sa 310 mag-aaral mula sa Davao City ang pinalad na mabigyan ng laptop para sa kanilang online class at napabilang sa Student Siblings Laptop Sharing Project na inisponsor ng Consulate General ng People’s Republic of China (PRC) sa Davao City.

SM food to go Banner Ad

Naganap ang turn-over ceremony Biyernes ng hapon sa People’s Park na pinangunahan ni Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte at consul general ng PRC Li Lin sa mga mag-aaral na nabigyan ng Huawei Matebook D15 Notebook. Una nang nakapamigay sa 100 student beneficiary mula sa lungsod na nakatanggap ng tablet mula sa PRC. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.