Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

300 bahay nagliyab sa Baseco

0 92

Mahigit 300 bahay ang natupok sa sunog na sumiklab sa Baseco Compound sa Port Are, Tondo, Maynila noong Huwebes ng gabi.

Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa dalawang palapag na bahay ni Juliet Mongado sa Block 17, Old Baseco Compound bandang alas-7:40 ng gabi.

Umabot ang sunog sa ika-apat na alarma at idineklara itong fire-out ganap na alas-12:02 kahapon ng hatinggabi.

Wala naman iniulat na nasaktan o nasawi sa sunog na puminsala ng tinayang P1 milyon na halaga ng mga ari-arian.

Samantala, tiniyak naman ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso na matutugunan ang ilang pangangailangan ng mga biktima habang pansamantalang nanunuluyan sa Del Pan Evacuation Center. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.