Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

30 taon recruiter ng NPA, sumuko

0 57

Nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang lalaki na mahigit 30 taon naging recruiter ng Communist Party of the Philippines-News People Army (CPP-NPA).

Nakabalot ang mukha nang iharap sa conference room ng Valenzuela Police Station ang sumukong rebelde na nagpatago sa alyas “Ka Negro,” kasabay ng pagsurender ng kanyang mga baril, nitong Biyernes ng hapon.

Sa kanyang mensahe, sinabi nito na maling-mali ang kanyang pagsapi sa rebeldeng komunista dahil sa loob ng mahigit 30 taon ay nasayang lang ang walang kwenta niyang pakikipaglaban dahil hindi daw nabago ang takbo ng kanyang buhay.

Si Kumander Negro ay recruiter ng Kadamay Urban Poor CPP-NPA sa Valenzuela City. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.