Una sa Balita

30 sinilaban ng buhay, buntis damay

0 377

Nasa 30 katao ang patay kabilang ang isang ­buntis at sanggol sa naganap na panununog sa mga ­natutulog na motorista sa Borno state, ­Nigeria.

Ayon sa CNN, nangyari ang pag-atake ng mga hinihinalang Boko Haram militant sa Auno village dakong alas-10:00 ng gabi noong Pebrero 9.

Sinunog ng mga militante ang may 18 ­sasakyan kabilang ang ilang truck na puno ng mga food items.

Karamihan ng mga biktima ay biyahero na ­sinilaban nang buhay habang natutulog sa kanilang mga sasakyan nang mag-overnight stop. (Issa Santigao )

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More