Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

30 rebelde sumuko

0 117

SUMUKO ang nasa 30 rebelde na umano’y pinakamalakas na supporter ng Communist Party of the Philippine-New People’s Army (CPP-NPA) sa bayan ng Mallig, Isabela kamakalawa.

Ang pagsuko umano ng nasabing rebelde, ayon kay Mallig Police Station (MPS) deputy chief-of-police P/Lt. Melody Grace Ballesteros, ay nagmula sa pinaigting na kampanya sa ilalim ng programang alinsunod sa Executive Order (EO) number 70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ( ELCAC).

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Ballesteros, bago ang pagsuko, nakatanggap ng tawag si MPS officer-in-charge P/Capt. Joel Bumaglag mula kay Eliseo Arrieta Sr., alyas “Bubot”, tumatayong lider ng organisasyong “Timpuyog Dagiti Marigrigat a Residente ti Villa Corazon” sa kagustuhan nilang sumuko sa pamahalaan. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.