Una sa Balita

30 Pinoy ni-repatriate mula Haiti

0 235

NASA 30 Pinoy ang inilikas mula sa Haiti, Carribean dahil sa patuloy na kaguluhan.

Ayon sa Philippine­ Embassy sa Washing­ton, darating ngayong­ Enero 16 ang dalawang­ batch ng mga Pinoy.

Kinabibilangan ito ng siyam na menor de edad at 21 adult.

Humiling ang nasabing bilang ng mga Pilipino na mailikas dahil sa unstable economic at security situa­tion sa Haiti na dulot ng kidnapping at iba pang krimen.

Mula pa Setyembre, mahigit 50 na ang namatay sa Haiti dahil sa anti-government mass demonstration sa kabisera na Port-au­-­Prince at iba pang malalaking lungsod.

Nananawagan ang mga protester na mapatalsik si President Jovenel Moise dahil sa mataas na inflation at fuel shortage maging ang hindi mapuksang korapsiyon sa kanilang gobyerno. (Issa ­Santia

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More