Una sa Balita

30 patay sa heat wave sa Japan

By
0 857

SUMAMPA na sa 30 katao ang nasawi sa patuloy na pananalasa ng heat wave sa Japan mula pa noong Hulyo 9.

Ang napakataas na antas ng init ay pumalo na sa 40.7°C sa central Japan at nagdulot ng pagkakaospital ng may 10,000 katao, ayon sa Kyodo News tally.

Ang 10 na nasawi ay mula umano sa pitong prefecture.

Kabilang sa namatay ang isang 80-anyos na babae na nagtatrabaho sa farm sa Sado, Niigata Prefecture, habang ang isa pang babae ay nasa edad 90s sa Yabu, H­yogo Prefecture.

Ilang estudyante naman sa high school sa Shimonoseki, Yamaguchi Prefecture ang dumaing ng mga sintomas ng heatstroke o heat exhaustion, walo ang itinakbo sa ospital.

Isang 6-anyos na batang lalaki naman ang namatay matapos ang pagkaklase nila sa labas ng paaralan sa e­lementarya sa Aichi Prefecture.

Nagbabala naman ang Japan Meteorolo­gical Agency na magpapatuloy pa ang sobran­g init na temperatura at inabisuhan ang kanilang mamamayan na uminom ng maraming tubig­.