Una sa Balita

30 MMDA personnel aagapay sa naapektuhan ng pagsabog ng Taal

By
0 258

Nagpadala ng 30 rescue and relief personnel ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Talisay, Batangas para magbibigay ng agarang responde at ayuda sa mga residenteng naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Batay sa inilabas na pahayag ng MMDA, ito ay bilang tugon sa panawagan ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas para na rin sa agarang paglikas ng mga residenteng apektado.

“Following the directive of MMDA Chairman Danilo Lim and General Manager Jojo Garcia, we have dispatched a team composed of 30 rescue and relief personnel to take part in the mass evacuation of affected residents,” ayon kay Michael Salalima, focal person ng MMDA-Public Safety Office and Disaster Risk Reduction and Management.

Bukod sa pagpapadala ng 30 contingent, nagpadala din ang MMDA ng tatlong military truck na gagamitin sa paglikas ng mga residente, tatlong ambulansya, dalawang fire truck, at 10 portable water purifier, self-contained breathing apparatus, compressors at refiller.

Nakipag-ugnayan na rin ang MMDA sa iba pang lalawigan ng Batangas at Cavite na nangangailangan din ng tulong.

Samantala, sinuspinde rin ng MMDA ang number coding ngayong Lunes, Enero 13, na epektibo sa lahat ng sasakyan dahil sa pagputok ng Taal Volcano.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More