Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

30 kalaboso sa karera ng motorsiklo

0 146

Dinampot ng mga awtoridad ang tatlumpong kalalakihan dahil sa pagpupustahan ng mga ito sa karera ng motorsiklo sa Imus City, Cavite.

Kasong paglabag sa Illegal Gambling thru drag racing ang kinakaharap ng mga inarestong kalalakihan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni P/SSgt. John Carlo Punzalan ng Imus City Police Station, dakong ala-1:30 kamakalawa ng hapon nang nakatanggap ng pulisya ng tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na karera ng motorsiklo sa Daang Hari Road, Brgy. Passong Buaya 1 Imus City, kung saan nagkakaroon din ng pustahan.

Agad na rumesponde ang mga elemento ng Intel Operatives at Force Multipliers ng Imus Police at naaktuhan ang mga kalalakihan habang nagpupustahan sa karera ng dalawang motorisklo dahlian ng kanilang pagkakaaresto at pagkakarekober ng P4,500 na pusta. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.