Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

30 Cagayanon dedo sa COVID

0 93

NAKAPAGTALA ng `all-time high’ na 30 ang coronavirus disease-19 (COVID-19) related death sa lalawigan ng Cagayan, ayon sa Cagayan Valley Provincial Health Office (CVPHO) kahapon.

Sa ulat, ayon na rin sa CVPHO, ang breakdown ng halos 30 COVID-19 related death kahapon ay apat sa bayan ng Aparri, tig-tatlo sa mga bayan ng Buguey, Camalaniugan at Solana, tig-dalawa sa apat na bayan tulad ng Baggao, Iguig, Rizal at Sto. Nino.

Samantala, tig-isa ang naiulat na namatay na iniuugnay sa nasabing virus sa walong lugar ng Tuguegarao, Ballesteros, Enrile, Gonzaga Lallo, Pamplona, Sanchez Mira at Sta. Ana.

Ayon sa ahensya, sa nagdaang mga araw at linggo, hindi bumababa sa 20 ang bilang ng mga naitatalang COVID-19 related death sa nasabing lalawigan.

Hanggang kahapon, nakapagtala ng kabuuang 4,889 na active COVID positive case province wide sa buong Cagayan. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.