Una sa Balita

30 bumbero nasawi sa sunog

By
0 2

Aabot sa 30 miyembro ng pamatay-sunog ang nasawi habang nasa 75 iba pa ang sugatan matapos bumagsak ang isang nasusunog na high-rise commercial building sa Tehran, Iran.

Sa ulat ng Agence France-Presse, inilarawan ng ilang testigo ang pagguho ng 17 palapag na Plasco building na katulad ng eksena sa isang horror na pelikula.

Habang inaapula ang apoy na tumutupok sa gusali ay bigla na lamang itong nag-collapse na nagresulta sa pagkakasugat ng mga bumbero na abala sa pag-apula ng apoy.

Pinangangambahan naman na posibleng may mga na-trap na iba pang bumbero sa bumagsak na gusali na aabot sa 45 iba pa.

Ang downtown Plasco building ay itinayo mahigit na 50 taon at dito makikita ang maraming bentahan ng mga tela at ibang mga negosyo.