Una sa Balita

30 bahay nasunog sa gitna ng ulan

By
0 129

Hindi naging hadlang ang pagbuhos ng ulan na dala ng bagyong Ma­ring para hindi sumiklab ang apoy at masunog ang isang residential area na naging sanhi para mawala ng bahay ang 60 pa­milya na sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Sa imbestigasyon ni F01 Arbie Locahin, ng Navotas Bureau of Fire Protection, dakong alas-6:11 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa bahay na pag-aari ng isang Omie Cruz sa A. Nadela at Manalaysay Sts., Brgy., Tangos.

Mabilis na ku­malat ang sunog sa mga katabing bahay na pawang mga gawa sa lights material na naging sanhi para matupok ng apoy ang nasa 30 kabahayan.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at idineklarang fire out dakong alas-9:10 ng gabi habang wala namang napaulat na nasaktan o nasawi.

Umabot sa P40,000 halaga ng ari-arian ang naabo kung saan inaalam pa rin ang pinagmulan ng apoy. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy