Una sa Balita

3 world class airport bubuksan sa Cebu, Bohol at Cagayan

By
0 4,297

Ipinagmalaki ng Department of Transportation (DOTr) na nabura na ang bansag sa Ninoy Aquino International Airport bilang isa sa mga ‘worst airport’ sa buong mundo kasabay ng anunsyo na tatlong ‘world class airport’ ang bubuksan ngayong taon sa bansa.

Kabilang sa tatlong bagong paliparan ang Cebu Resort Airport sa Mactan kung saan ay tiniyak ng DOTr na mag-e-enjoy ang mga pasaherong turista at dayuhan na magpabalik-balik dahil sa ganda ng tanawin na makikita sa loob at labas ng resort airport.

Tinagurian ito bilang ‘world’s first resort airport’ na ipinagmamalaki ng pamahalaan bilang kauna-unahang pali­paran sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) project katuwang ang GMR-Megawide Cebu Airport Corporation.

Kasunod nito ang Panglao Airport sa Bohol na ­nakatakdang buksan sa buwan ng Agosto at ang Lal-lo Airport sa Cagayan na target buksan ngayong Pebrero.

Ipinahayag pa ng DOTr na malaki ang ipinagbago ng mga paliparan sa bansa na lalo pa umanong pinaganda.