Una sa Balita

3 utas sa CAFGU vs NPA sa North Cotabato

By
0 154

Utas ang tatlong katao sa sagupaan ng militar at mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Sto. Niño, bayan ng Arakan sa North Cotabato kamakalawa.

Ayon kay Captain Rhyan Batchar, tagapagsalita ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, narekober ng militar ang mga bangkay ng dalawang napatay na rebelde na nakipagbakbakan sa nilusob nilang detachment ng CAFGU.

Isang miyembro ng CAFGU rin ang napatay sa labanan na nakilalang si Joel Batawan habang sugatan ang isa pang militiaman na si Jonathan Lasoy.

Pauwi na sana sa Sitio Valencia ang mga miyembro ng CAFGU mula sa kanilang duty sa Salasang detachment nang atakihin ng mga rebelde.

Agad naglunsad ng pursuit operation ang mga tauhan ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army at Arakan Police na nagresulta ng pagkakadiskubre ng mga bangkay ng mga gerilya na inabandona ng kanilang mga kasamahan.

Narekober mula sa mga miyembro ng NPA ang isang back pack na may unipormeng pangsundalo, mga dokumento at mga bala ng kalibre .45 baril.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More