Una sa Balita

3 tumador sa Nueva Ecija tumba sa lambanog

By
0 2,024

PINAIIMBESTIGAHAN ngayon ni Mayor Nerivi Santos Martinez ng Talavera, Nueva Ecija ang pagkamatay ng isang 24-anyos na binata noong Lunes nang gabi makaraang uminom umano ng lambanog.

Batay sa ulat ni P/Supt. Alexie Desamito kay Mayor Santos-Martinez, dakong alas-siyete nang gabi nang matagpuan ang naninigas na katawan ni Edgardo Caparas Fernandez, residente ng Brgy. D.S. Garcia, Cabanatuan City, sa loob ng binabantayang bahay sa Brgy. Homestead 2, Talavera.

Sa pahayag ng ama ng biktima na si Eduardo Caparas Fernandez, nakipag-inuman ng lambanog sa Cabanatuan ang anak nito at may dalawa pa umanong kasama ito sa inuman na namatay din.

Tumanggi ang pamilya ni Fernandez na isailalim pa sa awtopsiya ang labi ni Edgardo sa kabila ng pagpapaliwanag sa kahalagahan nito.

Ayon naman kay P/Supt. Ponciano Zafra, Cabanatuan City police chief, nagsasagawa sila ng im­bestigasyon ukol sa posibleng nakasama sa inuman ni Fernandez.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy