Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 tulak tigbak, P81M shabu nasabat

0 117

Patay ang tatlong drug suspek habang aabot sa 12 kilo ng shabu na nagkakahalagang P81 milyon ang nakumpiska ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa magkahiwalay na operasyon sa Paranaque at Pasay City, ayon kay PNP chief General Debold Sinas kahapon.

Sa ulat ni Police Brig Gen. Remus Medina, hepe ng PDEG, napatay ng kanyang mga tauhan ang isang alyas Richard sa engkwentro alas-11:45 ng gabi nitong Sabado sa West Service Road, Brgy. Sun Valley, Parañaque City.

Nakipagtransaksyon ang isang police poseur buyer sa suspek subalit nakatunog ang huli na pulis ang kanyang katransaksyon kaya bumunot ito ng baril at nanlaban sa operatiba na ikinasawi nito.

Nakuha sa suspek ang tinatayang nasa limang kilo ng shabu na nakalagay sa pakete ng Chinese tea bag na nagkakahalagang P34 milyon at isang grey mirage na may plakang AAO 2256.

Alas-3:10 naman ng madaling araw nitong Linggo nang mapatay ang dalawang drug pushers na nakilala lang sa alyas Domeng at Rey sa engkwentro sa C5 extension Barangay 201, Pasay City.

Nagpanggap ang police poseur buyer sa mga suspek subalit nahalata itong pulis kaya pinaputukan ng mga suspek. Gumanti ang operatiba kaya nasawi ang mga suspek.

Aabot sa kabuuang P47.6 milyong halaga ng droga ang nasabat sa dalawa. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.