Una sa Balita

3 tulak patay sa engkuwentro sa Tondo, Valenzuela City

By ,
0 146

Nagkaroon pa ng mahabang habulan ba­go tuluyang napatay ng mga elemento ng Manila Police District-Police Station 2 ang dalawang tulak ng ipinagbabawal na droga kahapon ng madaling-araw sa may Gate 14, Parola Compound, Tondo, Maynila.

Kinilala ng MPD-PS2 na sina Raymart Mendoza, 25-30, may taas 5’9, katamtaman ang pangangatawanan, nakasuot ng itim na t-shirt, black/orange na short pants at may tatto­o na star sa mag­kabilang balikat; at isang alyas ‘Boy’, 25-30, may taas 5’6, katamtaman ang pangangatawanan, naka­suot ng itim na t-shirt, at gray na short pants at may tattoo sa dibdib na ‘Only God can judge me’.

Una umanong nagsagawa ng buy-bust operation ang MPD-PS 2 laban kay Mendoza, dakong ala-1:45 nang madaling-araw sa Road 10, Tondo.

Gayunman nakaha­lata si Mendoza na pulis ang kanyang ka-deal kaya kaagad na binunot ang baril niya sa ba­wang at binaril ang poseur buyer na si PO2 Boy Mariano pero nagmintis.

Kasunod nito ay ma­bilis na tumakbo si Mendoza at sumakay sa motorsiklo ni Boy na naghihintay at tumakas papuntang Delpan bridge.

Hinabol ito ng mga pulis, at habang papatakas ay nakikipagbarilan ang mga suspek hanggang sa makorner sa nabanggit na lugar.

Nang mapawi ang putukan, kapwa may tama ng bala ang da­lawang suspek na kaagad isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) pero idineklarang dead-on-arrival.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang. 38 kalibreng baril, 6 sachet ng shabu.

Samantala, sa Valenzuela City, patay ang isang drug pusher nang manlaban umano sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation, habang kalaboso na­man ang tatlo niyang parukyano kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni P/Chief Inspector Jowilouwie Bilaro, head ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), kay P/Sr. Supt. David Nicolas Poklay, hepe ng Valenzuela Police, nakilala lamang sa alyas na ‘Boyet/Toto’ ang napatay na suspek.
Huli naman ang mga drug user na sina Edmar Guerrero, 41, ng T. Santiago St. Brgy. Lingunan, Andrew Dela Cruz, 38, ng Pagibig Street, Brgy. Viente Reales at Ruben Cervantes, 39.

Kinasuhan sila ng possession of illegal drugs of RA 9165.