Una sa Balita

3 tulak nahulihan ng P90K shabu, baril

0 350

ARESTADO ang tatlong diumano’y mga tulak ng iligal na droga, matapos ang ikinasang buy-bust operation, kung saan nasamsam sa kanila ang mahigit P90,000 shabu at isang baril sa Navotas City, kahapon ng hatinggabi.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Edwin Laderas, 43, electrician; Ricardo Del Mundo, 41, tricycle driver; at Rency Santos, 19, ng Brgy. San Roque.

Sa imbestigasyon ng Navotas Police, dakong alas-12:20 ng hatinggabi, nagkasa ng buy-bust operation ang mga ope­ratiba.
Nagkunwaring buyer­ ang asset ng pulis at umiskor ng P300 halaga ng shabu sa mga suspek.

Matapos ang transaksiyon, humudyat na ang asset sa kanyang mga kasamang pulis at doon na sabay-sabay na inaresto ang tatlo.

Nakuha pa sa kanila ang anim na plastic sachet ng shabu na may market value na P92,400.

Nasamsam din sa mga suspek ang isang cal. 38 na may anim na bala.

Kinasuhan ng pag­labag sa Sec. 5 and Sec.11 of RA 9165 at RA 10591 ang tatlong dinakip at walang piyansang inirekomenda ang Prosekusyon para sa pansamantala nilang paglaya. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More