Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 tulak nadagit sa drug bust

0 82

Tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang dinakip na nagresulta sa pagkakasamsam ng mahigit P177,000 halaga ng shabu sa magkakahiwalay na anti-drug operations sa Taguig at Parañaque City.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek na sina Manue­lito Cruz De Leon, alyas Mano, 44-anyos; Alvin Jaime Bermudez, 39-an­yos at Ma. Luisa Fernandez Mayuga, 42-anyos.

Nakumpiska sa kanila ang kabuuang 26.1 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P177,480. Ikinasa ng mga anti-narcotic agent ang operasyon sa Brgy. San Dionisio sa Parañaque at Brgy. New Lower Bicutan naman sa Taguig City. (Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.