Una sa Balita

3 tulak bagsak sa Pasig buy-bust

By
0 3,011

Kulungan ang bagsak ng tatlong tulak matapos malambat sa isinagawang magkakahiwalay na drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Pasig City kamakalawa.

Sa nakalap na report kay Eastern Police District Director S/Supt. Reynaldo Biay, pawang mga wala sa listahan ng drug watch list ang mga naaresto na sina Lorelyn Garde y Sarabillo, residente ng Brgy. Rosario, Luisito Demano y San Marcos, taga-Brgy. Pinagbuhatan, at Marcel Pa­rone y Balbuena ng Rosario, Pasig City.

Batay sa report, nagsa­gawa ng magkakahiwalay na buy-bust operation ang Pasig Police kung saan u­nang naaresto si Parone sa Brgy. Rosario, Pasig City at nakuhanan ito ng apat na sachet ng shabu at P200 buy-bust money.

Abante Hiring – IT dep

Si Demano naman ay nalambat bandang alas-12:30 ng tanghali kama­kalawa sa Jasmin St., at nakuhanan ng apat na sachet ng shabu at P200. buy-bust money habang si Garde ay nakuhanan ng tatlong plastik sachet ng droga at P200 buy-bust money.