Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 todas, 5 sugatan kay `Fabian’

0 34

Tatlo ang patay habang lima ang sugatan sa pananalasa ng bagyong Fabian at habagat dahilan ng walang tigil na pagbuhos ng ulan at hangin sa bansa.

Sa ulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Ricardo Jalad, isa ang nasawi sa aksidente sa Kennon Road sa Cordillera Administrative Region matapos madaganan ng puno ang isang kotse habang dalawa pa sa mga sakay nito ang sugatan.

Sa Pinili, Ilocos Norte naman ay dalawa ang naiulat na namatay matapos tamaan ng kidlat habang tatlo sa kasamahan nito ang sugatan.

Sa latest update ng NDRRMC, may 19,521 pamilya o 87,493 indibiduwal ang apektado ng bagyong Fabian at habagat partikular sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Region 6, CAR at NCR.

Nasa 345 kabahayan ang bahagyang nasira habang 109 na kabahayan naman ang totally damage.

Dahil sa mga pagbaha at landslide sa mga nabanggit na lugar ay nasa P2,481,000 na ang naiulat na napinsala sa infrastraktura habang P14.5 milyon naman ang napinsala na sa agrikultura. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.