Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 todas, 1 nawawala sa bagyong Dante

0 75

TATLO na ang kumpirmadong patay at isa ang nawawala sa Mindanao dahil sa bagyong Dante, ayon sa report na kinukumpirma ng National Disaster Risk Reduction Management Council.

Natagpuan ang bangkay ng 14-anyos na dalagita matapos tangayin ng rumaragasang baha. Patuloy namang pinaghahanap ang kanyang ama.

Ang bangkay naman ng 71-anyos na lalaki ay tinangay din ng malakas na baha habang pilit na tinatawid ang isang kalsada sa Malalag, Davao del Sur noong Linggo.

Ang Bagyong Dante, na ikaapat na bagyo na tumama sa bansa ay inaasahang magla-landfall sa Leyte o Dinagat Islands-Siargao Islands sa pagbabago ng galaw nito sa nakalipas na 3 hanggang 6 na oras, dagdag ng PAGASA. Unang tinaya na sa Samar ito maglalandfall.

Bilang paghahanda, sinuspinde na kahapon ang pasok sa pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa Eastern Samar. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.