Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 timbog sa bentahan ng gamot kontra COVID

0 207

Arestado ng National Bureau of Investigation-Anti-Graft Division (NBI-AGD) ang tatlong indibiduwal dahil sa hindi awtorisadong pagbebenta ng COVID-19 medicines sa Pasay City.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor, ang mga suspek na sina Karen Amero, Ronaldo Ceriola at Erickson Soriano y Laurel.

Ayon kay Distor, unang nagpadala ng liham si Dr. Arnold G. Alindada, Director II, South Luzon Cluster-Field Regulatory Operations Office, Food and Drug Administration (FDA), para imbestigahan ang umano’y di awtorisadong pagbebenta ng COVID-19 medicines gaya ng Remdesivir, Tocilizumab, Baricitinib at iba pa sa Facebook, Shopee, at Lazada.

Base sa FDA Advisory No. 2021-0759, hindi aprubado ang Remdesivir ng FDA bilang gamot sa COVID-19 at wala din itong Certificate of Product Registration kaya di ito dapat ibenta sa merkado at limitado lamang sa mga ospital na binigyan ng Compassionate Special Permit.

Nabatid na nagsagawa ng test-buy ang FDA noong Setyembre 14 at nakumpirma ang di awtorisadong pagbebenta ng Remdesivir.

Sanhi nito, ikinasa ng NBI ang buy bust operation noong Setyembre 28, 2021 sa may Crestly Building sa Perla St., Pasay City na ikinaaresto ni Amero na nagpakilalang manage ng LMCSL Trading kung saan tumangging paaresto at ipinagmalaking may kaukulang lisensiya mula sa FDA.

Sa pag iinspeksiyon ng FDA at NBI nakakita sa lugar ng mga gamot at doon nakita sina Ceriola at Soriano na nagpakilalang delivery riders ng LMCSL Trading. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.